Monday, July 31, 2023

Wika ng App: Boto Ko at Toll Pinas

Ngayon, pwede mo na palitan ang wika ng app sa Boto Ko at Toll Pinas sa Ingles (English) o Filipino.

Ang Toll Pinas ay isang app na pwede mong gamitin upang malaman ang toll fee na babayaran mo sa mga expressway sa Pilipinas. Gamit ang Boto Ko, pwede mong ilista ang mga kandidatong iboboto mo at baguhin ang listahan anumang oras.

Mapapalitan mo ang wika ng app sa loob ng Boto Ko at Toll Pinas na app. I-click ang menu sa pinakataas at kanan ng screen, piliin ang menu na Settings (Mga Setting), at pagkatapos ay piliin ang wikang gusto mo. Pwede ring piliin na wika ang Default ng System (System default) para gamitin ang wika ng system.

Kung ang phone (o tablet) mo ay nasa Android 13 pataas, pwede mo ring palitan ang wika ng app sa Boto Ko, Toll Pinas, at iba mo pang app sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
  • Settings > System > Languages & Input > App Languages > [Boto Ko o Toll Pinas]
  • Settings > Apps > [Toll Pinas o Boto Ko] > Language

Maaari mo ring panoorin ang maikling video na ito upang makita kung paano palitan ng wika ng app:





Kung may komento o mungkahi ka, mag-e-mail lang sa dev@tigcal.com.

No comments:

Post a Comment